Marami sa kanila ang nananatili pa rin sa lupang kinagisnan. May ilang nakikipagsapalaran na rin sa mga lungsod.
Sa pinakahuling datos ng National Commission on Indigenous People, may higit labing apat na milyon na ang miyembro ng IPs.
Kung tutuusin ay protektado sila ng batas pero malayo sa katotohanan ang kanilang nararanasan. May mga nagiging biktima ng diskriminasyon pagdating sa edukasyon at paghahanap ng trabaho. May napapatalsik mula sa sariling lupaing kinagisnan na maging ng kanilang mga ninuno. May nababalewalang benepisyo dahil sa katiwalian ng ilan. May nabuburang tradisyon dahil sa kakulangan ng sapat na atensyon ng gobyerno.
Sa kabila nito, naninindigan ang marami sa kanila para ipaglaban ang kanilang karapatan.
source